Lolo dedo sa laban ni Pacman
January 24, 2006 | 12:00am
BUTUAN CITY Isang 62-anyos na magsasaka mula sa bayan ng Carrascal, Surigao del Sur ang iniulat na nasawi makaraang atakihin sa puso dahil sa panonood ng laban ni Pacman sa Butuan City noong Sabado ng hapon.
Hindi na umabot pa ng buhay sa lokal na ospital ang biktimang si Lupo Orquina matapos na manikip ang dibdib dahil sa katuwaan.
Napag-alamang lumuwas ng Butuan City sa kanyang kamag-anak mula sa bayan ng Carrascal ang biktima para magpagamot ng sakit sa rayuma at kasabay nito ay mapanood ang laban ni Pacman.
Ayon sa mga kamag-anakan ni Orquina, masayang nanonood ng boxing ang biktima nang makaramdam ng pananakip ng dibidib.
Hindi naman inalintana ng biktimang nakaupo ang kanyang sakit dahil gustong ipagpatuloy ang panonood ng laban ni Pacman kay Morales.
Sa pasimula ng 2nd round ng boxing ay tuwang-tuwa naman ang biktima dahil siguradong mananalo na si Pacman, subalit hindi na ito makahinga kaya nagpasugod na sa pinakamalapit na ospital.
Hindi na umabot ng buhay ang biktima dahil sa atake sa puso na pinaniniwalaang masyadong natuwa sa laban ni Pacman.
Samantala, dismayado naman ang mga residente sa nabanggit na lungsod dahil sa masyadong maraming advertisement sa telebisyon ang isinisingil sa laban ni Pacquiao at Morales. (Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest