Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, kinilala ang dalawang biktima na sina Juanita Samaniego, 26, isang OFW sa Singapore at Angel Balvin, 27, housemaid ng pamilya Samaniego na kapwa residente ng Villa Silva Compound sa Barangay Palatiw, Pasig City.
Ayon sa ulat, ang dalawa ay tadtad ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan bago natagpuan sa may 20 talampakang lalim na balon sa nabanggit na barangay.
Huling namataan buhay si Juanita noong Enero 19 matapos magpaalam sa kanyang inang si Zenaida Gonzales na may pupuntahan, subalit hindi naman binanggit ang lugar.
Sa kasalukuyan ay blangko pa rin ang pulisya sa pagkakapatay sa dalawang biktima. (Cristina Timbang)