^

Probinsiya

2 babaeng kinatay, kilala na

-
CAVITE – Kilala na ng mga tauhan ng pulisya ang dalawang babaeng pinatay saka inihulog sa balon sa hangganan ng Barangay Paliparan at Salawag sa bayan ng Dasmariñas, Cavite noong Biyernes, Enero 21.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, kinilala ang dalawang biktima na sina Juanita Samaniego, 26, isang OFW sa Singapore at Angel Balvin, 27, housemaid ng pamilya Samaniego na kapwa residente ng Villa Silva Compound sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Ayon sa ulat, ang dalawa ay tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago natagpuan sa may 20 talampakang lalim na balon sa nabanggit na barangay.

Huling namataan buhay si Juanita noong Enero 19 matapos magpaalam sa kanyang inang si Zenaida Gonzales na may pupuntahan, subalit hindi naman binanggit ang lugar.

Sa kasalukuyan ay blangko pa rin ang pulisya sa pagkakapatay sa dalawang biktima. (Cristina Timbang)

ANGEL BALVIN

AYON

BARANGAY PALATIW

BARANGAY PALIPARAN

BIYERNES

CRISTINA TIMBANG

ENERO

JUANITA SAMANIEGO

PASIG CITY

VILLA SILVA COMPOUND

ZENAIDA GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with