Health worker pisak sa dyip
January 22, 2006 | 12:00am
CAVITE Isang 48-anyos na health worker ng barangay ang nasawi matapos na madaganan ng kanyang sinasakyang owner-type jeep makaraang tumagilid ito nang mawalan ng preno sa Tagaytay City kamakalawa.
Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Merlinda Martinez, 48, may-asawa at residente ng Brgy. Tartaria, Silang, Cavite.
Sasailalim naman sa interogasyon ang suspek na si Jeffrey Ramiscal, 30, driver ng nasabing sasakyan at videoman ng Nits Photo, ng 117 Purok 2, Brgy. Bigaa, Cabuyao, Laguna.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:30 ng umaga habang sakay ang biktima ng owner type jeep (VBY- 174) na minamaneho ng suspek nang pagsapit sa Brgy. Iruhin East, Tagaytay City ay napansin ng huli na hindi kumakagat ang preno ng sasakyan.
Ayon pa sa suspek, dahil sa nawalan sila ng preno ay ibinaling niya ang manibela sa kanan na nagresulta sa pagbangga nila sa kanal sa tabing-kalsada na nagtulak naman upang muli nyang ibaling pakaliwa ang manibela.
Dahil dito, nahulog ang biktima na nakaupo sa kanang katabi ng suspek ngunit minalas ding tumagilid ang nasabing sasakyan na naging dahilan ng pagkakadagan sa biktima.
Sasampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang ngayoy nakapiit nang suspek. (Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest