Mister kinatay dahil sa kamote
January 19, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na mister ng kanyang kapitbahay na lalaki dahil lamang sa pinag-awayang kamoteng-kahoy sa bahaging sakop ng Barangay Bagong Nayon sa Antipolo City, kamakalawa.
Animoy kinatay na hayop ang katawan ng biktimang si Max Ogrim, habang naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Cesar Mingca, kapwa naninirahan sa Unit 1, Sitio Taguisan sa nabanggit na barangay.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni SPO1 Jesus Magno, naitala ang krimen dakong alas-3 ng hapon matapos na magsumbong ang asawa ng biktima tungkol sa tanim na kamoteng-kahoy.
Napag-alamang inaway ng anak na lalaki ng suspek ang asawa ng biktima kaya agad na sumugod sa bahay ng mag-amang Mingca.
Sinigawan at hinamon ng away ng biktima ang suspek kaya bumaba ito na may bitbit na itak. Hindi na nakaporma pa ang biktima matapos na tadtarin ng itak ng suspek hanggang sa duguang bumulagtang patay.
Tinangkang tumakas ng suspek na bitbit pa ang itak, subalit agad namang nasakote ng mga tauhan ng pulisya. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest