Motorsiklo vs jeep: 1 todas, 2 grabe
January 18, 2006 | 12:00am
LUCENA CITY Nabasag ang bungo, nagkabali-bali ang buto at namatay noon din ang isang 29-anyos na binata habang nasa kritikal namang kalagayan ang kanyang dalawang kaibigan matapos na banggain ng isang owner-type jeep ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa kahabaan ng Aurora Boulevard na sakop ng Brgy. Gulang-gulang, Lucena City, Quezon kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Senior Supt. Rueben Theodore Sindac, hepe ng pulisya sa Lucena City, ang namatay na biktimang si Joselito Rama, samantalang nakikipaglaban kay kamatayan sa Quezon Medical Center ( QMC ) sina Alex Mabilao, 18 at Ronnel Vito, 23, na pawang residente sa bayan ng Tayabas, Quezon.
Sa imbestigasyon ni PO2 Aldrin Ranola, bandang alas-4 ng madaling-araw habang sakay ng motorsiklo (WD-4227) ang mga biktima at tinatahak ang kahabaan ng Aurora Boulevard ay sinalpok sila ng owner-type jeep (DRF-693) na minamaneho ni Edward Tagumpay.
Dahil sa naganap na sakuna ay tumilapon ang motorsiklo at pumasok pa ang nasawing biktima sa ilalim ng owner.
Napag-alamang patungo sa city proper ang owner-type jeep at tinangkang mag-overtake sa isang sasakyan, subalit nahagip nito ang kasalubong na motorsiklo.
Nakapiit sa Lucena City PNP detention cell ang drayber ng jeep at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Tony Sandoval | 22 hours ago
Recommended