^

Probinsiya

Trak ng mayor sinunog

-
CAMP CRAME – Sinunog ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang trak na pag-aari ng isang alkalde sa bayan ng Lupon sa naganap na karahasan sa Davao Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat, ganap na alas-6 ng gabi nang harangin ng mga armadong rebelde na pinamumunuan ng isang Edgar Leones, alyas Commander Marco ang isang unit ng Sadam truck na pag-aari ni Mayor Anfran Quiños ng bayan ng Lupon.

Napag-alamang inutusan ang drayber na ibaba ang mga kargamento saka pinagbabaril ng mga rebelde ang fuel tank ng nasabing truck hanggang sa sumiklab at tuluyang masunog ang behikulo na nagkakahalaga ng P 2 milyon.

Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa hindi pa malamang destinasyon. May posibilidad na may kaugnayan sa revolutionary tax ang naganap na panununog sa trak ng alkalde. (Joy Cantos)

vuukle comment

COMMANDER MARCO

DAVAO ORIENTAL

EDGAR LEONES

JOY CANTOS

LUPON

MATAPOS

MAYOR ANFRAN QUI

NAPAG

NEW PEOPLE

SADAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with