2 todas sa away-pamilya

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Dalawa katao ang nasawi matapos na ang mga ito ay pagtatagain at pagbabarilin ng kanilang nakaalitan na pamilya kamakalawa ng gabi sa Barangay Nogpo, Libon, Albay.

Nakilala ang mga nasawi na sina Randy Sandrino, 26 at Rodel Olivares, 22, na pawang mga residente ng naturang lugar.

Samantala ang mag-amang suspek na kaagad tumakas ay kinilalang sina Rolando Saysay at Manuto Saysay na mga residente ng Barangay Buga sa naturang bayan.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-10:00 ng gabi habang ang dalawang biktima ay nasa bahay ni Ramon Sandrino na ama ng isa sa nasawi habang sila ay nag-iinuman dahil kapistahan sa kanilang lugar.

Biglang sinugod ng mag-amang suspek na armado ng itak at kal. 38 pistola ang mga biktima dahil na rin sa matagal nilang away-pamilya.

Narekober ng mga rumespondeng pulisya ang mga basyo ng bala ng kal. 38 pistola at ang itak na ginamit ng mga suspek. (Ed Casulla)

Show comments