^

Probinsiya

Mag-asawang nanikwat ng gatas, tiklo

-
DAET, Camarines Norte – Kalaboso ang binagsakan ng mag-asawang nanikwat ng gatas sa isang grocery sa J. Lukban Street sa bayan ng Daet, Camarines Norte kahapon. Naghihimas ng rehas na bakal ang mag-asawang suspek na sina Jessie, 37 at Eleonor Hero, 31, na kapwa residente ng Barangay Tambo, Zone 6 Pamplona, Camarines Sur. Ayon sa ulat, bandang alas-12:45 ng tanghali nang maaktuhan ng bagger ng grocery na si Larry Calma, ang mag-asawang suspek na naninikwat ng isang lata ng gatas na nagkakahalaga ng P582.00. Sa salaysay ni Eleonor na dala ng kahirapan sa pamumuhay ang nagtulak sa kanila na magnakaw ng gatas para sa sariling bunsong anak na lalaki. (Francis Elevado)
Drayber nahagip ng trak, dedo
LUCENA CITY – Doble kamalasan ang inabot ng isang senglot na drayber makaraang mahulog sa traysikel na kanyang sinasakyan saka nasagasaan pa ng isang cargo truck sa kahabaan ng diversion road na sakop ng Barangay Gulang-gulang sa nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi. Basag ang bungo at hindi na umabot pa ng buhay sa Quezon Medical Center ang biktimang si Ronillo Rabe Y Bario, 24, ng Barangay Kanlurang Mayao. Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-9:30 ng gabi nang maganap ang aksidente matapos na mahulog ang biktima sa sinasakyang traysikel na minamaneho ni Elino Jorvina sa harapan ng St. Anne College. Hindi naman nakilala ang drayber ng trak na nakasagasa sa biktima dahil mabilis na pinaharurot ang minamanehong trak. (Tony Sandoval)
Totoy nag-suicide
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Misteryoso ang pagpapakamatay ng isang 11-anyos na lalaki matapos na matagpuang nakabitin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Fernando sa bayan ng Sto. Domingo, Albay kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang nagbigti na si Zedreek Beringuela na huling namataang buhay na kasama ang dalawa nitong utol sa kanilang bahay. Bandang alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang ina matapos na mamalengke. Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagpapakamatay ng biktima. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY GULANG

BARANGAY KANLURANG MAYAO

BARANGAY SAN FERNANDO

BARANGAY TAMBO

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

ED CASULLA

ELEONOR HERO

ELINO JORVINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with