Bus vs Motorsiklo: 2-katao todas

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City — Dalawang sibilyan ang kumpirmadong namatay makaraang masalpok ng pampasaherong bus ang motorsiklo ng mga biktima sa naganap na sakuna sa kahabaan ng lansangang sakop ng Barangy Binatagan sa Ligao City, kamakalawa ng gabi. Tumilapon ang mga biktimang sina Rommel Ferrer, 35; at Charlie Imperial, 39, kapwa mga residente ng Barangay Malama ng nabanggit na lungsod.

Sumuko naman ang drayber ng Eagle Star Bus Liner na si Hazel Carbonilla ng Barangay Manuma sa bayan ng Sta. Rita, Samar. Napag-alamang biglang huminto sa gitna ng kalsada ang motorsiklo ng dalawa na pinaniniwalaang nasiraan ng makina. Hindi naman napansin ng drayber ng bus ang nakaharang na motorsiklo (EM-7375) kaya naganap ang sakuna. (Ed Casulla)

Show comments