Ayon kay Dr. Wilmer Tolentino, provincial veterinarian, masyadong polluted ang kasalukuyang slaughter house at ang likurang bahagi nito ay may creek na pangunahing sanhi upang makakuha ng sakit ang mga kinakatay na baboy.
Dahil dito ay ipinalipat ni Dr.Tolentino sa isang malinis na lugar ang katayan upang hindi na makahawa pa sa ibang walang sakit na mga baboy.
May dalawang linggo ring dinis-infect ng provincial veterinary office ang nasabing katayan ng hayop upang maging ligtas ang karne na binibili ng mga residente sa bayang nabanggit.
Ang hakbang na ito ng provincial veterinary office ay tulong sa mga taga-Lucban na nagpo-promote ng "one town, one product" na bantog na longganisa, kung kayat kailangan sa katayan pa lamang ay malinis ang pangunahing sangkap sa naturang produkto. (Tony Sandoval)