^

Probinsiya

Katayan ng hayop ipinasara dahil sa FMD

-
QUEZON – Ipinasara ng Quezon Provincial Veterinary Office ang slaughter house sa bayan ng Lucban dahil sa pagkakaroon ng tatlong kaso ng foot and mouth disease (FMD) at kasunod nito ay binawi ang naunang deklarasyon na Free FMD ang nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Dr. Wilmer Tolentino, provincial veterinarian, masyadong polluted ang kasalukuyang slaughter house at ang likurang bahagi nito ay may creek na pangunahing sanhi upang makakuha ng sakit ang mga kinakatay na baboy.

Dahil dito ay ipinalipat ni Dr.Tolentino sa isang malinis na lugar ang katayan upang hindi na makahawa pa sa ibang walang sakit na mga baboy.

May dalawang linggo ring dinis-infect ng provincial veterinary office ang nasabing katayan ng hayop upang maging ligtas ang karne na binibili ng mga residente sa bayang nabanggit.

Ang hakbang na ito ng provincial veterinary office ay tulong sa mga taga-Lucban na nagpo-promote ng "one town, one product" na bantog na longganisa, kung kaya’t kailangan sa katayan pa lamang ay malinis ang pangunahing sangkap sa naturang produkto. (Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

DAHIL

DR. WILMER TOLENTINO

IPINASARA

KATAYAN

OFFICE

PROVINCIAL

QUEZON PROVINCIAL VETERINARY OFFICE

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with