^

Probinsiya

Ex-Army inireklamo ng pananakit

-
NUEVA ECIJA — Kasalukuyang nalalagay sa balag ng alanganin ang isang dating sundalo ng Philippine Army matapos na saktan at habulin ng pampasabog na granada ang kinakasamang babae sa Barangay Rizal sa Munoz City,Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Prudencio Montero, 42, biyudo at nasamsaman ng isang fragmentation grenade. Ang biktima na dumulog sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Christina Manuel, 29. Napag-alamang matinding selos ang pinag-awayan ng magka-live-in na humantong sa pananakit ng suspek sa biktima. (Christian Ryan Sta. Ana)
Magsasaka nag-suicide
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City — Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang sakit na kanser kaya nagbaril sa sarili at namatay ang isang 64-anyos na magsasaka sa kanyang bahay sa Barangay Muladbucad sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Francisco Ortega na may sakit na lung cancer. Huling namataang buhay ang biktima dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng kanyang kuwarto, ayon sa pulisya. Sa impormasyon nakalap ng pulisya na may ilang linggo na rin walang imik ang biktima bago magbaril sa ulo. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY MULADBUCAD

BARANGAY RIZAL

CHRISTIAN RYAN STA

CHRISTINA MANUEL

ED CASULLA

FRANCISCO ORTEGA

LEGAZPI CITY

MUNOZ CITY

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with