^

Probinsiya

Obrero pinabulagta sa inuman

-
BULACAN – Binaril at napatay ang isang 23-anyos na construction worker ng kanyang kapitbahay makaraang hindi mangumbida sa inuman ng alak sa Barangay Malis sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nasapol sa dibdib ng bala ng sumpak ang biktimang si Jake Pascual, samantalang tugis ng pulisya ang suspek na si Dionisio "Danny" Bañares na kapwa residente ng barangay. Sa pagsisiyasat ni SPO4 Benny Hernandez, naitala ang krimen dakong alas-10 ng gabi matapos na magalit ang suspek sa pagbalewala sa kanya ng biktima sa inuman ng alak. Napag-alamang tiniyempuhan ng suspek na barilin ng sumpak ang biktima habang nakikipag-inuman ng alak sa kanyang mga kaibigan. (Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY MALIS

BENNY HERNANDEZ

BINARIL

BULACAN

DIONISIO

EFREN ALCANTARA

GUIGUINTO

JAKE PASCUAL

NAPAG

NASAPOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with