Kabilang sa nasawing biktima ay nakilalang sina Raymundo Ansal, 50 at Loloy Bawag, 40, na kapwa residente ng nabanggjt na barangay.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Magpet Hospital ang labingwalong biktima na unti-unting bumubuti ang kalagayan.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense (OCD), ang mga biktima ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo matapos na makainom ng maruming tubig mula sa ilog.
Samantalang siyam na sibilyan pa ang naunang tinamaan ng sakit na diarrhea sa Barangay Kinarum, subalit naagapan naman ng mga lokal na health officers sa nabanggit na barangay.
Kaugnay nito, nagpakalat na ng mga pangkat ng manggagamot at kawani ng nabanggit na bayan sa dalawang nabanggit na barangay para mamahagi ng gamot sa mga residenteng posibleng tinamaan pa ng nasabing sakit.
Pinaalalahanan naman ang mga residente tungkol sa tamang paraan sa pagtatapon ng mga basura upang hindi kumalat ang mga sakit. (Joy Cantos)