^

Probinsiya

Korte niransak

-
Niransak ng mga armadong kalalakihan na pawang naka-bonnet ang Cagayan de Oro Regional Trial Court (RTC) Branch 25 na tinangka pang sunugin kamakalawa.

Base sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang lusubin ng mga armadong kalalakihan na naka-bonnet at naka-unipormeng itim ang evidence room ng RTC na pinamamahalaan ni Judge Noli Catli na nasa Hall of Justice ng nabanggit na lungsod.

Sa salaysay ng guwardiyang si Alejandro Rabanes, 47, ng Veterans Philippine Scout Security Agency, hindi siya nakapalag dahil pinosasan at nilagyan ng masking tape ang bibig matapos na tutukan ng baril at disarmahan ng mga armadong kalalakihan.

Matapos igapos ang nag-iisang sikyu ay pinasok ng mga suspek ang kuwarto na kinalalagyan ng mga ebidensya kung saan ay natangay ang saku-sako ng mga dokumentong ebidensiya ng korte laban sa mga suspek na nililitis sa kasong kriminal.

Tinangay rin ng mga suspek ang sari-saring uri ng baril na isinakay kasama ng saku-sakong mga ebidensiya bago nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nabatid pa na may teorya ang mga awtoridad na may kinalaman sa mga kontrobersiyal na kasong nililitis ng nasabing sangay ng korte ang motibo ng insidente at patuloy ang imbestigasyon. (Joy Cantos)

ALEJANDRO RABANES

HALL OF JUSTICE

JOY CANTOS

JUDGE NOLI CATLI

MATAPOS

NABATID

ORO REGIONAL TRIAL COURT

POLICE REGIONAL OFFICE

VETERANS PHILIPPINE SCOUT SECURITY AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with