Ambush: Police chief, 2 pa dedo
January 4, 2006 | 12:00am
Tinambangan at napatay ang isang hepe ng pulisya at dalawa pa sa tropa ng gobyerno ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nagpapatrulya sa liblib na bahagi ng Barangay Bulo sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina P/Senior Inspector Eduardo Amande Jr., hepe ng pulisya sa bayan ng Matnog; Private 1st Class de la Cortez at isang Cafgu na tinukoy lamang sa apelyidong de Leon.
Dalawa naman ang naitalang nasugatan kabilang si PO2 Reynaldo Carcera at isang sundalong si Pfc. de la Cerna na ginagamot sa Sorsogon City Hospital at Matnog District Hospital.
Ayon kay Army Spokesman Major Bartolome Bacarro, tinambangan at nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde ang mga tauhan ng pulis-Matnog at tropa ng Armys 2nd Infantry Battalion habang nagpapatrulya sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay kamakalawa ng gabi.
Napag-alamang nagsulputan ang iba pang rebeldeng nagtatago sa bahagi ng Bulo Elementary School at nakibahagi na rin sa bakbakan laban sa tropa ng pamahalaan.
Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan hanggang sa magsiatras ang mga rebelde bitbit ang mga nasugatan nilang kasamahan patungo sa direksyon ng kagubatan.
Patuloy namang ginagalugad ng tropa ng militar ang nagsitakas na rebelde sa kagubatang sakop ng Brgy. Bulo sa bayan ng Matnog.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest