Manager ng gasolinahan, nilikida

CAVITE – Natagpuang patay sa loob ng kanyang opisina ang isang 40-anyos na manager ng gasolinahan matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa Barangay Burol sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga. Napuruhan sa mukha ng bala ng baril ang biktimang si Francisco San Juan, station manager ng Eastern Gasoline Station sa nabanggit na barangay at residente ng San Andres Bukid, Manila. Ayon kina PO3 Edgar Belza at SPO1 Carlito Gener, namataan ang dalawang hindi kilalang lalaki na pumasok sa banyo ng gasolinahan na katabi ng opisina ng biktima.

May posibilidad na kumuha lamang ng pagkakataon makalingat ang kahera ng gasolinahan at pinasok ang opisina ng biktima saka isinagawa ang krimen. (Cristina Timbang)

Show comments