^

Probinsiya

Mister todas sa holdaper

-
CAVITE – Isang 49-anyos na mister ang iniulat na nasawi makaraang barilin ng isa sa tatlong holdaper sa naganap na karahasan sa Barangay Aniban 1 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa katawan ang biktimang si Homerto Riomalos ng nabanggit na barangay, samantalang ang tatlong holdaper na pawang naka-bonnet ay nakatakas lulan ng kulay pulang motorsiklo.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Henry Arasga, sakay ng pedicab ang biktima kasama ang kanyang misis na si Agnes nang harangin ng motorsiklo ng mga holdaper.

Dalawa sa holdaper ang bumaba ng motorsiklo at tinangkang agawin ang dalang bag ng mag-asawa, subalit nanlaban ang biktima.

Napag-alamang nagalit ang isa sa mga holdaper kaya napilitang birilin at mapatay ang biktima bago nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon. (Cristina Timbang)

vuukle comment

AGNES

BACOOR

BARANGAY ANIBAN

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DALAWA

HENRY ARASGA

HOMERTO RIOMALOS

ISANG

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with