^

Probinsiya

Establisimyento sinalakay ng NPA rebs

-
CAMP CRAME – Dinisarmahan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang security guard makaraang salakayin ang establisimyentong pag-aari ng isang mayamang negosyante sa naganap na karahasan sa bayan ng Lunga-og, Davao del Norte, kamakalawa ng madaling-araw.

Lumitaw sa pagsisiyasat na bandang alas-3 ng madaling-araw nang pasukin ng mga armadong rebelde ang Banana Growers Corporation na dalawa sa mga suspek ay dumaan sa main gate para magpanggap na obrero.

Napag-alamang hinahanap ng mga rebelde ang logbook sa security guard at nang makapasok na sa loob ay agad na tinutukan ng baril habang sumunod naman ang lima pang armadong kasamahan.

Ayon pa sa ulat, niransak ng mga rebelde ang bodega ng armas ng mga guwardiya at nilimas ang dalawang unit ng 12 gauge shotgun, isang M16 rifle na may limang magazine, isang cal . 38 revolver na may 15 rounds ng bala at isang unit ng handheld radio.

Nagpaputok pa ng baril sa ere ang mga rebelde habang tumatakas patungo sa direksyon ng kagubatan na pinaniniwalaang kuta ng grupong makakaliwang kilusan.

May teorya ang mga awtoridad na may kinalaman sa pagtanggi ng negosyanteng may-ari ng establisiyemento na magbayad ng revolutionary tax sa grupo ng mga rebeldeng komunista. (Joy Cantos)

AYON

BANANA GROWERS CORPORATION

DAVAO

DINISARMAHAN

JOY CANTOS

LUMITAW

LUNGA

NAGPAPUTOK

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with