Negosyanteng babae itinumba
December 30, 2005 | 12:00am
CABANATUAN CITY Isang dating overseas Filipino worker (OFW) na nagba-buy and sell ng used cars ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Patalac sa Cabanatuan City, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang napaslang na biktima na si Raquel Marcelino y Antonio, 34, may-asawa, ng nabanggit na barangay.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Jesus Gordon Descanzo, naganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay nang dumating ang hindi kilalang suspek at biglang pinaputukan ng dalawang beses na ikinasawi agad ng una.
Ayon sa pulisya, na anggulong may kaugnayan sa pag-ibig ang unang motibo at ang ikalawa naman ay tungkol sa negosyo ng biktima, na tubong San Mariano, Isabela.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na hiwalay sa kanyang asawa ang biktima.
Base sa rekord ng pulisya, ang biktima ay ikalawang trader na babae sa taong kasalukuyan ang pinaslang. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended