Umaaktong mayor ngayon sina Leovegildo Ruzol na nanalo sa protesta laban kay Mayor Hernando "Gapos" Avellaneda na pinatalsik sa puwesto kamakailan ng korte.
Naunang pinanigan ng korte ang protesta ni Ruzol na kanyang inihain sa sala ni Judge Virgilio Alfajora ng Branch 65, RTC sa Infanta, Quezon noong Nobyembre 14, 2005.
Nang isilbi ang atas ng korte ay nagkulong sa kanyang opisina si Avellaneda habang galit na nagsisigawan ang kanyang mga supporter sa labas, at upang maiwasan ang pagdanak ng dugo ay pansamantala munang ginamit ni Ruzol ang Sangguniang Bayan bilang kanyang opisina.
Sa pakikipag-usap ng maayos ni Supt. Duron kay Avellaneda ay mapayapa nitong iniwan ang opisina noong Disyembre 10 at muling bumalik nitong nakaraang Disyembre 27, matapos panigan ng Comelec, ang inihain nitong TRO.
Batay sa pinirmahang papeles ni Comelec Commissioner Rex Borra, binibigyan ng direktiba si Avellaneda na makabalik sa puwesto habang hinihintay ang desisyon mula sa ahensya. Mariin naman itong tinutulan ni Ruzol sa pagsasabing iregular ang direktiba dahil ito lamang ang nakapirma sa kautusan.
Nalilito ngayon ang mga residente kung kanino lalapit at magpapirma ng papeles at nangangambang magsalpukan ang mga tagasuporta ng dalawang umaaktong mayor. (Tony Sandoval)