Most wanted sa Ilocos Norte, tiklo
December 29, 2005 | 12:00am
LAOAG CITY Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang 52-anyos na pugante na may patong sa ulo ng P.140 milyon makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng una sa bahagi ng Barangay 35 sa Tanguid, Laoag City kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Virgilio Macaraeg ng Batac Regional Trial Court, Branch 18, dinakip ang akusadong si Nelson Arimbuyutan Tagatac ng Barangay 13, Batac, Ilocos Norte. Ang pagkakadakip kay Tagatac ay bunsod ng matiyagang follow-up operation ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) ng Region 1 at Ilocos Norte PNP, ayon kay P/Senior Supt. Rolando R. Macusi, hepe ng Regional Public Information Office. (Myds Supnad)
BULACAN Isang 33-anyos na negosyante na pinaniniwalaang namemeke ng pampublikong dokumento ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng una sa bahagi ng Barangay Capalangan sa bayan ng Apalit, Pampanga kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Rosalie Pagsanghan matapos masakote ng pulisya dakong alas-2:30 ng hapon dahil sa reklamo ng kanyang mga nabiktima na nagsampa ng asunto sa Bulacan Regional Trial Court, Branch 82 at Malolos City RTC para sa tatlong kasong pamemeke ng mga papeles. (Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest