Kelot utas kay kapitan
December 25, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Nasawi ang isang lalaki matapos na barilin ng nakainumang barangay captain kamakalawa sa Nueva Ecija.
Nakilala ang biktima na si Randy Bulawit, 27, ng Brgy. Roxas, Solano, Nueva Ecija.
Kusa namang sumuko sa Villaverde Police Station ang suspek na si Brgy. Captain Gilbert Maluping ng Brgy. Bintuan Norte ng nasabing lugar.
Base sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Brgy. Bintuan Sur.
Nabatid na bago ang pamamaril, nag-inuman pa umano ang biktima at suspek sa bahay ng kaibigang si Erlinda Ambot.
Inihatid pa umano ni Bulawit ang kasintahan at habang naglalakad pauwi at bigla na lamang itong sinalubong ng lasing na kapitan at walang sabi-sabing binaril sa katawan.
Inaalam na ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa biktima. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am