Kidnaper todas, trader nailigtas
December 24, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Kumpirmadong napaslang ang isa sa mga kidnaper, habang nailigtas naman ang biktimang trader sa naganap na 2-oras na shootout na nag-umpisa sa bayan ng Tiaong, Quezon hanggang sa bahagi ng Barangay Bagong Pook sa bayan ng Rosario, Batangas kamakalawa.
Sa isinumiteng ulat kahapon ni P/Senior Supt. Don Montenegro, Batangas provincial director, kinilala ang nailigtas na biktima na si Sarjit Singh, 27, ng Candelaria, Quezon.
Nakilala naman ang napatay na kidnaper na si Wilfredo Reyes, 29, ng Barangay Palagaran sa bayan ng Tiaong, Quezon habang sugatan namang nakatakas ang kasamahan ni Reyes.
Nabatid na ang biktima ay kinidnap ng dalawang suspek sa bahagi ng pamilihang bayan ng Candelaria, Quezon nitong Huwebes ng tanghali.
Bunga nito ay agad nag-flash alarm sa iba pang himpilan ng pulisya, ang mga awtoridad sa Candelaria laban sa sinakyan ng mga kidnaper na Toyota Vios Sedan ( VDA-226) kasama ang biktima.
Namataan naman ang nabanggit na sasakyan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Rosario, Batangas dakong ala-una ng hapon, subalit tinangka ng mga kidnaper na iwasan ang checkpoint at pinaputukan pa ang mga pulis bago mabilis na pinasibad ang kanilang sasakyan palayo.
Hinabol ng mga operatiba ng pulisya ang sasakyan ng mga suspek hanggang sa abutan sa Barangay Bulihan kung saan ay naharang naman nang naghihintay pang puwersa ng pulisya sa isa pang checkpoint na nagbunsod sa shootout na ikinasawi ni Reyes.
Nagawa namang makaligtas ng negosyanteng Bombay na nagtamo ng galos sa katawan matapos itong magtatakbo sa kainitan ng shootout.
Maayos namang naibalik sa kaniyang pamilya ang biktima habang patuloy ang pursuit operation sa nakatakas na isa pang kidnaper. (Joy Cantos at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest