2 pulis dedo sa engkuwentro
December 22, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawang tauhan ng pulisya ang kumpirmadong nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan makaraang salakayin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur kahapon.
Kinilala ang isa sa mga napaslang na si PO3 Juliet Lozada habang ang isa pang pulis na sugatan ay kasalukuyan ginagamot.
Sa phone interview, sinabi ni P/Supt. Samuel Yordan, provincial director ng Agusan del Sur Provincial Police Office, dakong alas-2:30 ng hapon nang sumalakay ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa himpilan ng pulisya ng Loreto.
Ayon kay Yordan, ang umatakeng mga rebelde ay lulan ng apat na van, subalit hindi nawalan ng loob ang sampung pulis na nagbabantay at nakipagbarilan sa mga lumulusob na NPA sa nabanggit na himpilan kabilang na ang kanilang hepe.
Napag-alamang ang ibang pulis ay nagmamantine ng seguridad sa kabayanan ng nabanggit na munisipalidad
Matapos na matunugang may paparating na grupo ng militar at pulisya ay agad na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa hindi pa malamang destinasyon tangay ang hindi pa mabilang na mga armas at bala mula sa niransak na istasyon ng pulisya. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am