^

Probinsiya

Negosyante pinatay sa gulpi ng mag-utol

-
BULACAN – Dahil sa gitgitan sa trapik ay pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang isang 38-anyos na negosyante ng mag-utol na lalaki makaraang masagi ang sasakyan ng biktima sa kahabaan ng Cagayan Valley Road na sakop ng Sitio Hangga sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sumabog ang bungo ng ulo dahil sa tipak ng bato na ipinukpok sa biktimang si Joel Bulaong ng Paseo del Kongreso Road sa Barangay Poblacion, Malolos City, Bulacan.

Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang isa sa suspek na si Rafael Ramirez, 36, ng Rocka Village, Barangay Tabang sa bayan ng Plaridel, Bulacan.

Tugis naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Rene Ramirez, 32, ng Amanda Subdivision sa Barangay Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan at kapwa marino sa isang barko na pansamantalang hindi binanggit ang kompanya.

Ayon kay SPO4 Benny Hernandez, nagkagitgitan ang sasakyang Nissan Patrol (XPE-444) ng biktima at kulay asul na kotse (UDH-514) ng mag-utol na suspek sa nabanggit na barangay.

Dahil sa masikip ang trapik ay nagkasagian ang dalawang sasakyan at humantong sa mainitang pagtatalo ng biktima at mag-utol. Dito na uminit ang ulo ng mag-utol at pinagtulungang gulpihin ang biktima hanggang sa tuluyang masawi dahil sa ipinukpok na tipak ng bato sa ulo, dagdag pa sa ulat ng pulisya. (Efren Alcantara)

AMANDA SUBDIVISION

BARANGAY CRUZ

BARANGAY POBLACION

BARANGAY TABANG

BENNY HERNANDEZ

BULACAN

CAGAYAN VALLEY ROAD

DAHIL

EFREN ALCANTARA

JOEL BULAONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with