^

Probinsiya

Binata nalunod,2 nasagip

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Patay ang isang binata matapos malunod habang nakaligtas naman ang dalawang kaibigan nang tangayin ng malakas na agos habang tumatawid sa ilog sa bayan ng Malinao, Albay kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Ramir Almonte 27, binata, samantala ang dalawang nakaligtas ay kinilalang sina Dante Cariso 26 at Ramil Candano 27 pawang mga residente ng Purok 10, Barangay Labnig ng naturang bayan.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-6 ng gabi habang ang tatlong magkakaibigan ay magkakahawak ang kamay na tumatawid sa ilog papauwi na sa kanilang bahay.

Napag-alaman na ang bangkay ng biktima ay inanod at natagpuan ng mga naghahanap dito matapos mapadpad sa Brgy. Jonop pagkaraan ng ilang oras na paghahanap. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY LABNIG

BATAY

BRGY

DANTE CARISO

ED CASULLA

JONOP

LEGAZPI CITY

RAMIL CANDANO

RAMIR ALMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with