Rambol: 1 patay, 1 kritikal
December 14, 2005 | 12:00am
CAVITE Isa ang kumpirmadong patay habang kritikal naman ang isa pa matapos na mapagkamalang kalaban ang mga biktima sa naganap na rambulan sa bahagi ng Tramo Ibayo sa bayan ng Naic, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na biktimang si Rafael dela Cruz, 22, habang kritikal naman ang kaibigang si Lorenzo Alcala, 20. Naghihimas naman ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Alberto Tabirao, 23; Alberto Ledesma, 28; at Edwin Pabros, 23, na pawang naninirahan sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ni SPO1 Alberto Ilagan, nagkarambulan ang dalawang grupo ng kabataan hanggang sa akalain ng mga suspek na kabilang sa grupong nakaaway ang dalawang biktima, habang tugis ng pulisya ang lima pang suspek. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended