Sari-saring ibon dumagsa

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga kagawad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang lugar sa lalawigang ito matapos dagsain ng iba’t ibang uri ng ibon sa pangambang nagtataglay ang mga ito ng bird flu virus na kumakalat ngayon sa mga bansa ng Asya.

Ayon kay board member Teodorico Padilla, Jr., ang nasabing lugar na tila taun-taong bakasyunan ng iba’t ibang uri ng ibon na naging paboritong hunting ground na rin ng mga mangangaso ay ang bulubundukin ng Brgy. Tactac, sa bayan ng Santa Fe sa lalawigang ito. (Victor Martin)

Show comments