^

Probinsiya

16 raliyista sugatan sa dispersal

-
Camp Aguinaldo – Labing-anim na raliyista ang nasugatan matapos buwagin ng mga sundalo ang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa harapan ng gate ng AFP-Northern Luzon Command (AFP-NOLCOM) sa Tarlac City, noong Sabado ng hapon.

Base sa report, pasado alas-4 ng hapon nang kalampagin ng mga raliyista mula sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang gate ng nasabing himpilan ng militar.

Ayon sa pahayag ni Cecille Ruiz ng Karapatan, isang human rights group sa Central Luzon isa sa mga demonstrador ay nagkaroon ng malalim na hiwa sa ulo matapos hampasin ng M16 sa ulo ng isang sundalo sa kainitan ng nangyaring komosyon. Ang mga nasugatan ay agad na isinugod sa pagamutan.

Nabatid na mahigit 300 demonstrador ang nagsagawa ng kilos protesta sa harapan ng gate ng AFP-NOLCOM upang gunitaan ang International Human Rights Day.

Bunga nito, matapos na tangkaing pasukin ng mga raliyista ang gate ng NOLCOM ay may isangdaang sundalo na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas, truncheons, shields ang sumalubong at bumuwag sa nasabing rally na nauwi sa madugong komprontasyon.

Ayon naman kay AFP-NOLCOM Spokesman Lt. Col. Preme Monta napilitan ang mga sundalo na buwagin ang rally dahilan naging bayolente ang mga demonstrador at bukod dito ay wala silang permit para magsagawa ng kilos-protesta. (Joy Cantos)

AYON

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

CAMP AGUINALDO

CECILLE RUIZ

CENTRAL LUZON

JOY CANTOS

NORTHERN LUZON COMMAND

PREME MONTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with