^

Probinsiya

Magkaibigan niratrat

-
KAMPO SIMEON OLA , Legazpi City Kapwa nasawi ang magkaibigan nang pagbabarilin ng isang lalaki habang isa pa ang nasa malubhang kalagayan matapos tamaan ng ligaw na bala habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Cawayan, Masbate.

Nakilala ang mga nasawi na sina Alberto Tamoso Jr., 25, binata at Ronilo Lecciones, 24 , binata, pawang mga magsasaka at residente ng naturang lugar.

Samantala ang sugatan na isinugod sa Cawayan Mun. Hospital ay si Reggie Vollocillo, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Maihao.

Ang suspek na tumakas matapos ang pamamaril ay kinilalang si Lindo Montecalvo, 35, may-asawa, magsasaka at residente ng nasabi ring lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi habang sina Tamoso at Lecciones ay magkasamang naglalakad papauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng kal. 45 pistola at agad na pinaputukan ang mga biktima.

Minalas namang tamaan ng ligaw na bala si Vollocillo na naka-istambay sa lugar nang maganap ang pamamaril sa mga biktima.

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALBERTO TAMOSO JR.

BARANGAY MAIHAO

BATAY

CAWAYAN

CAWAYAN MUN

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

LINDO MONTECALVO

REGGIE VOLLOCILLO

RONILO LECCIONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with