Motorsiklo vs van: 1 dedo
December 11, 2005 | 12:00am
CAVITE Isa ang namatay matapos na magsalpukan ang isang motorsiklo at van habang bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Barangay San Agustin 3, Dasmariñas, lalawigang ito kamakalawa.
Sa ulat ni Chief Insp. Antonio Yarra, hepe rito, kinilala ang biktima na si Tony Ross Delgado, 24, may-asawa at residente ng San Agustin 1 ng nasabing bayan.
Mabilis namang tumakas ang hindi nakilalang suspek habang nakuha naman ang plaka ng minamaneho nitong close van na UCN-359.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Isagani Simera, may hawak ng kaso, alas-2 ng hapon habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabaybay ang kahabaan ng nasabing lugar na may plate no.KM-2395 nang bigla na lamang salpukin ng nasabing close van na minamaneho ng di nakilalang suspek. Dahil sa lakas ng pagbunggo. Tumilapon ang biktima sanhi ng pagkabagok ng ulo at pagkabale ng kanyang mga buto at mga sugat sa katawan dahilan ng kanyang kamatayan.
Sa halip na tumigil ang nasabing van ay humarurot ito ng takbo papatakas.
Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima ng mga nakasaksing residente subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Sa follow-up ng pulisya, narekober ng mga ito ang van sa Caltex Gasoline Station ng Barangay Langkaan kung saan inabandona ito ng nasabing driver. Nakuha dito ang mga dokumento na nagsasaad na nakarehistro ito sa Paiphil Packaging Company ng #9 Rizal St., San Pedro, Laguna. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest