Idineklarang patay sa Catanduanes Provincial Hospital ang biktimang si Rica Fatima, matapos na matapakan ang talop na linya ng kuryente habang naglalaro malapit sa bahay ng kaniyang lolot lola sa nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, nawasak ang metro ng kuryente ng bahay kung saan lumaylay ang linya ng kuryente sa kalsada at nagkataon namang natapakan ng biktima ang kawad na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Agad namang namataan ni Gerulf Fatima ang kanyang utol na nangingisay kaya mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan, subalit hindi na umabot pa ng buhay.
Pinag-aaralan naman ng pulisya kung may pananagutan ang may-ari ng bahay sa pagkamatay ng bata. (Ed Casulla)