^

Probinsiya

14 barangay lubog sa tubig-baha

-
QUEZON – Umaabot sa labing-apat na barangay sa Lucena City ang iniulat na lubog sa tubig-baha habang may kabuuang walong libo-katao naman ang inilikas dahil sa patuloy na buhos ng ulan kahapon sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa ulat ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator ret. Major Gen. Glen Rabonza, kabilang sa mga naapektuhang lugar ay ang mga barangay 1, 4, 5, 6, 8, 9 , 10, Market View, Mayao Crossing, Ibabang Dupay, Gulang-Gulang, Cotta, Dalahican, Ibabang Iyam na pawang sakop ng Lucena City.

Napag-alaman na ang mg apektadong barangay ay pawang nasa baybay ng ilog na sakop ng Dumacaa at Iyam na huling dumanas ng delubyo matapos na hatawin ng bagyong "Rosing" noong 1995.

Ayon pa sa ulat, nagkaroon ng landslide sa bahagi ng Atimonan, Quezon, subalit wala namang apekto sa mga motorista.

Aabot sa 470 pamilya (2350-katao) ang inilikas sa Market View, 75-katao mula sa 15 pamilya sa Mayao Crossing, 500 residente sa Ibabang Dupay; 245 sa Ibabang Iyam 2500 sa Gulang-Gulang; 80 sa Barangay 1, 555 sa Barangay 5, 830 sa Barangay. 8, 750 sa Barangay 9 at 150 naman sa Barangay 10.

Ang mga naapektuhang pamilya ay kasalukuyang nasa mga evacuation center sa East 1 Barangay Health Center, Riverside Multi-Purpose Hall, North 1-III, Barangay Hall Lucena East IV at Multi-Purpose.

Idineklarang naman ng Sangguniang Panlungsod na state of calamity ang nabanggit na lungsod base sa resolusyong ipinasa ng Lucena City Council kahapon, habang nagpapatuloy ang pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya.

AYON

BARANGAY

BARANGAY HALL LUCENA EAST

BARANGAY HEALTH CENTER

GLEN RABONZA

IBABANG DUPAY

IBABANG IYAM

LUCENA CITY

MARKET VIEW

MAYAO CROSSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with