Negosyante pinatay

CAVITE – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 38-anyos na negosyante ng kanyang kapitbahay makaraang magtalo kamakalawa ng gabi sa Barangay Calimag sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Henry Villafuerte ng Block 15 Lot-22 ng nabanggit na barangay.

Kalaboso naman ang suspek na si Mario Lumontad, 35 ng Block 12 Lot 11 ng naturang lugar. Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO3 Celestino San Jose, nagtalo ang dalawa sa hindi nabatid na dahilan hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at inundayan nang sunud-sunod na saksak ang biktima hanggang sa duguang bumulagta. (Cristina Timbang)

Show comments