Mentally retarded ginahasa

Balanga City, Bataan Masaklap ang sinapit na kapalaran ng isang 18 anyos na dalagang mentally retarded matapos pagsamantalahan ng isang katulong na lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Ugong, Brgy. Cataning, Balanga City, Bataan kamakalawa.

Ang biktima na tulala pa hanggang sa kasalukuyan ay kinilala ni P/Sr.Insp. Magno Biag, hepe ng PNP Balanga City na si Elaisa (hindi tunay na pangalan), 18 anyos, at residente ng nasabing lugar.

Nakilala naman ang suspek na si Ernesto Manuel, 21, binata, helper, at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Pantalan Luma, sa bayan ng Orani.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Gilda Candido, Womens and Childrens Complain Desk Officer dakong alas-11:30 ng tanghali habang wala ang mga magulang ng biktima ay sinamantala ng suspek na pagsamantalahan ang dalaga habang ito ay nag-iisang nanonood ng telebisyon.

Samantalang makalipas ang ilang araw na pagtatago ay nasakote ng pulisya ang suspek na ipinagharap na ng kasong rape sa Prosecutors Office ng lungsod na ito. (Jonie Capalaran)

Show comments