Driver pumalag sa holdaper, dedo
December 5, 2005 | 12:00am
CAVITE Isang jeepney driver ang nasawi makaraang pagbabarilin nang pumalag sa mga holdaper habang bumabagtas ang minamaneho nitong sasakyan sa kahabaan ng highway ng Queensow West, Bacoor Cavite kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Chief Insp. Rommel Marbil, hepe ng Bacoor Police kinilala ang biktima na si Romeo Matabang, 49-anyos may-asawa at kasalukuyang residente ng 432 Marcos Alvarez Ave. Talon 1 Las Piñas City.
Mabilis namang tumakas ang tatlong hindi nakilalang mga holdaper na armado ng cal. 38 at balisong tangay ang mga hinoldap na mahahalagang gamit ng mga pasahero, pera, cellphone at mga alahas.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Joel Malinao, may hawak ng kaso dakong alas-10:45 ng gabi habang binabagtas ng jeepney na minamaneho ng biktima ang kahabaan ng nabanggit na lugar sakay ang walong pasahero ng pumara ang isang vendor at sumabit sa likuran ng jeepney.
Isang matandang lalaki ang tumalon matapos na makatunog ng panganib at kasunod nito ay nagdeklara ng holdap ang tatlong suspek na nilimas ang mga pera, alahas at cellphone ng mga pasahero.
Nanlaban naman ang driver na akmang bubunutin ang kaniyang nakatagong balisong kaya pinagbabaril ng mga suspek hanggang sa mapatay. (Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest