Kinilala ng pulisya ang pinaslang na biktimang si Wilfredo Talusan ng Barangay Poblacion II, samantala, kalaboso naman ang suspek na si Nestor Bardon, 39, ng Sarmiento Homes Subdivision ng nabanggit na barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, napatitig ang biktima na ikinagalit naman ng suspek sa pag-aakalang binabastos siya. Agad na niyakap ang biktima ng suspek sabay na itinusok ang hawak na patalim sa tiyan na ikinasawi nito. (Efren Alcantara)
Kawani ng gobyerno, inatado
BULACAN Pinaniniwalaang nairita sa masamang titig kaya inundayan ng saksak hanggang sa mapatay ang isang 49-anyos na kawani ng lokal na pamahalaan ng isang senglot na lalaki makaraang magkasalubong ang dalawa sa labas ng videoke bar sa bahagi ng Barangay Abangan Norte sa bayan ng Marilao, Bulacan, kamakalawa.