^

Probinsiya

P.6-M x-mas bonus ng mga guro, naholdap

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Blangkong pader ang kasalukuyang hinaharap ng mga awtoridad kaugnay sa pagkikilanlan ng mga armadong kalalakihan na nakinabang sa P.6 milyon na nakatakda para sa Christmas bonus ng mga guro sa pampublikong paaralan matapos holdapin ang isang district supervisor ng hindi pa nakikilalang grupo, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Napag-alaman na ang nasabing halaga na tinangay ng mga holdaper ay kabilang ang halaga na nakatakdang ibigay sana sa mga guro na nagtuturo sa Bambang West Elementary School sa bayan ng Bambang partikular na ang kanilang sahod sa buwan ng Nobyembre maging ang kanilang clothing allowance.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alfonso Dulay, nakilala ang biktimang may dala ng nasabing halaga na si Consolacion Callang, district supervisor ng Bambang Elementary School na inatasang maghahatid sana ng nasabing halaga sa mga guro ng nabanggit na paaralan.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, sakay ng pampasaherong jeep ang biktima nang biglang magdeklara ng holdap ang mga suspek na nagpanggap na pasahero at mabilis na tinangay ang nasabing halaga kabilang na ang iba pang mga mamahaling gamit ng mga pasahero tulad ng cell phone at mga alahas.

Matapos holdapin ng mga suspek ang mga pasahero at makuha ang mga pera at alahas ay tinutukan ng baril ang drayber ng jeep na nakilalang si Jerry Saguday na itabi ang sasakyan, pinababa lahat ang mga pasahero kabilang na si Saguday at kinumander ang nasabing sasakyan.

Sa kasalukuyan ay tinutugis pa ng mga pulis ang posibleng kinaroroonan ng mga suspek habang halos masiraan naman ng loob ang mga guro nang malaman na nawala ang kanilang inaasahang pera para sa nalalapit na Pasko. (Victor Martin)

vuukle comment

ALFONSO DULAY

BAMBANG

BAMBANG ELEMENTARY SCHOOL

BAMBANG WEST ELEMENTARY SCHOOL

BLANGKONG

CONSOLACION CALLANG

JERRY SAGUDAY

NUEVA VIZCAYA

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with