Napag-alamang sinimulan ang operasyon laban sa mga kriminal dakong alas-10 ng gabi, kamakalawa hanggang alas-6 ng umaga, kahapon. (Cristina Timbang)
128-katao sa Cavite, inaresto
CAVITE Tinatayang aabot sa 128-katao na pinaniniwalaang may mga record na kasong kriminal ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa ibat ibang barangay na sakop ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na lider ng notoryus na holdaper ay nakilalang sina Jovito Botchok ng Waray-Waray Group; Jun Jun " Utak" Roderin ng Utak Robbery Gang; Bong Punda ng La Salle Snatching Gang at Rosendo Borja ng Borja Akyat-Bahay Gang. Ayon kay P/Senior Supt. Benjardi Mantele, Cavite provincial director, ang mga nadakip na suspek ay pawang may kasong murder, homicide, pagnanakaw at nakumpiskahan ng mga baril, granada, patalim at mga personal na gamit ng kanilang biktima.