Lider ng Pentagon KFRG timbog
November 21, 2005 | 12:00am
Camp Crame Bumagsak sa pinagsanib na operatiba ng pulisya at militar ang isang notoryus na lider ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang matapos itong masugatan habang nakatakas naman ang tatlo nitong tauhan sa naganap na engkuwentro sa Lambayong, Sultan Kudarat, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang nasakoteng lider ng Pentagon KFR na si Saldona Kamlon alyas Commander Aldon, 25 anyos, may-asawa at may patong sa ulong P 250,000 kaugnay ng serye ng kidnapping na kinasasangkutan ng grupo nito.
Si Kamlon ay nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan at ngayoy mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad sa Sultan Kudarat Provincial Hospital na pinagpapagalingan nito.
Base sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang makasagupa ng pinagsanib na puwersa ng Military Intelligence Group (MIG) 12 at ng Tacurong City Police ang armadong grupo ni Kamlon sa masukal na bahagi ng Sitio Lupakan, Brgy. Sadsalan, Lambayong ng nabanggit na lalawigan.
Nabatid na si Kamlon na nahaharap sa serye ng kasong kidnapping -for-ransom ay may warrant of arrest na inisyu ni Judge Ismael Magundong ng 12th Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) Branch 15 sa Cotabato City at maliban dito ay sangkot rin ito sa serye ng pambobomba sa Regions 11 at 12 at Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).
Sa kasagsagan ng putukan ay nasugatan si Kamlon at nasamsam mula rito ang isang cal. 38 revolver na may tatlong bala. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended