Indian trader kritikal sa ambus

CAMP CRAME – Nakikipagbuno ngayon kay kamatayan ang isang negosyanteng Bombay matapos paulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakilalang armadong lalaki sa naganap na ambush sa lungsod ng Cebu, kamakalawa.

Ang biktima ay kasalukuyan pang inoobserbahan ng mga doktor sa Chung Hua Hospital bunga ng maselan nitong kondisyon sa tinamong grabeng tama ng bala sa tiyan.

Sa report, bandang alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Acacia St. Brgy. Camputhaw ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na ang biktima ay nasa bisinidad ng nasabing lugar nang sundan at bigla na lamang pagbabarilin ng mga salarin.

Agad na bumagsak sa lupa ang biktima at sa pag-aakala ng mga suspek na napatay nila ang target ay mabilis ang mga itong nagsitakas. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. (Joy Cantos )

Show comments