^

Probinsiya

Konsehal itinumba

-
COTABATO CITY – Tinambangan at napatay ang isang konsehal ng bayan ng Magpet ng mga armadong kalalakihan habang bumabagtas ang biktimang lulan ng service vehicle sa kahabaan ng lansangang sakop ng nabanggit na bayan sa North Cotabato, kamakalawa.

Ang biktimang si Gerry Lincaro na patungo sana sa Kidapawan City mula sa town proper ng Magpet nang nagsulputan ang mga armadong kalalakihan sa gilid ng kalsadang dinaanan ng biktima at isagawa ang pananambang.

Si Lincaro na kasapi ng Magpet’s municipal council ay kilalang mahigpit sa pagpapatupad ng lokal na ordinansa laban sa mga masasamang elemento ng nabanggit na bayan.

Ayon sa pulisya, natulala naman at nakaligtas ang asawa ni Lincaro matapos na masaksihan ang pagkamatay ng kanyang mister na konsehal at ngayon ay sumasailalim sa debriefing ng pulisya. Nabatid na magbibigay ng malaking halaga si Magpet Mayor Efren Piñol Jr. sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa mga pumaslang kay Lincaro. (John Unson)

vuukle comment

AYON

GERRY LINCARO

JOHN UNSON

KIDAPAWAN CITY

LINCARO

MAGPET

MAGPET MAYOR EFREN PI

NABATID

NORTH COTABATO

SI LINCARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with