Kabilang sa mga biktimang isinugod sa Antipolo District Hospital ay may edad na 2 hanggang 10-anyos matapos na makaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka na pinaniniwalaang nakakain ng panis na spaghetti sa isang birthday party sa nabanggit na barangay.
Sa salaysay ng isang nurse na si Jing San Juan, nagsimulang dumagsa ang mga biktimang maputla at nanghihina sa nabanggit na ospital dakong alas-8 ng gabi, kamakalawa.
Hindi naman kaagad matukoy ang sakit na dumapo, kaya agad ng nilagyan ng dextrose at kaukulang gamot para makabawi sa panghihina ang mga biktima.
Napag-alaman sa mga pasyente na posibleng sa pagkain nila ng spaghetti nakuha ang pananakit ng tiyan at pagsusuka na pinaniniwalaang amoy panis nang isilbi sa kanila matapos na dumalo ng 1st birthday party ng kanilang kapitbahay.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, matapos ang ilang oras na pananatili sa nasabing ospital ay agad namang pinauwi ang mga biktimang nakabawi na ng lakas.
Bukod sa mga naisugod sa ospital ay marami pa ang na-food poison ng nasabing pagkain, subalit hindi na isinugod sa pagamutan.
Wala namang iniulat na nasawi sa nabanggit na insidente.