^

Probinsiya

Datu dinukot, pinatay sa firing squad ng NPA

-
CAMP AGUINALDO – Sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang Datu na lider ng isang tribu matapos itong dukutin sa Paquibato District, Davao City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Datu Manuel Butig, 43, may-asawa, tribal chieftain ng Paquibato District at residente ng Sitio Manipis ng nasabing lugar.

Napag-alamang ang biktima ay dinukot ng mga armadong rebelde na pinamumunuan ni Commander Parago sa bahagi ng Sitio Cristorey sa Barangay Paradise Imbac, Paquibato District saka dinala patungo sa direksyon ng kagubatan bandang alas-8:30 ng gabi.

Matapos dalhin sa kagubatan ang bihag na lider ay humilera ang mga armadong rebelde na ‘di pinakinggan ang nagmamakaawang biktima na halos sabay-sabay nilang pinaputukan.

Ang bangkay ng biktima ay narekober ng mga nagrespondeng awtoridad matapos ipagbigay-alam ng isang civilian asset ang masaklap na kamatayang sinapit ng biktima sa kamay ng mga rebelde.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 35 basyo ng bala ng M16 rifle na siyang ginamit sa pagpatay laban sa biktima.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng pamamaslang sa nabanggit lider ng tribu. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY PARADISE IMBAC

BIKTIMA

COMMANDER PARAGO

DATU MANUEL BUTIG

DAVAO CITY

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PAQUIBATO DISTRICT

SITIO CRISTOREY

SITIO MANIPIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with