"We will check the evidence for whatever bodily fluids, may it be semen or perspiration," pahayag ni P/Chief Supt. Ernesto Belen, hepe ng PNP Crime Lab sa Camp Crame.
Sinabi ni Belen, ang sample ng fluid na nakuha sa pinangyarihan ng krimen ay isinailalim na sa DNA test at ang resulta ay kanilang isusumite sa mga prosekutor ng gobyerno na humahawak ng kaso.
"They [prosecutors] can then ask for DNA samples from the victims and the accused for matching," ayon pa sa opisyal.
Kabilang sa mga akusadong US Marines na may ranggong staff Sgt. ay nakilalang sina Keith Silkwood, Daniel Smith, Albert Lara, Corey Burris, Chad Carpenter, habang si Dominic Duplantis ay hindi idinamay ng biktima sa kaso dahil hindi umano ito kabilang sa humalay sa kaniya.
Samantala, pinabulaanan naman kahapon ng US Embassy na may kahilingan na ang anim na akusado na makabalik na sa kanilang home base sa Okinawa, Japan habang isinasagawa ang paglilitis. Sinabi ni US Press Attache Mathew Lussenhop na mananatili ang mga akusado sa bansa hanggang dinidinig ang kasong rape.
"The VFA clearly provides that we make them available whenever the Philippines aurthorities require them", pahayag pa ni Lussenhop.
Kinontra naman ng Department of Justice na mailipat sa Okinawa, Japan ang venue ng paglilitis laban sa mga akusadong Kano
Batay sa ulat, ang 22-anyos na biktima ay nagbakasyon lamang sa Subic Bay Freeport mula sa Zamboanga City kasama ang ilang pinsang babae hanggang sa sumambulat ang kontrobersyal na insidente na kinasangkutan ng mga akusadong Kano noong Nobyembre 1.
Ang mga akusadong US Marines ay sinampahan na ng kasong kriminal sa korte at pinadalhan na ng subpoena noong Miyerkules para dumalo sa pagdinig sa Nobyembre 23, 2005. (Joy Cantos At Ellen Fernando, Dagdag ulat ni Grace dela Cruz)