^

Probinsiya

Bird flu pinangangambahan na rin sa Mindanao

-
Nangangamba rin ngayon ang local na Department of Health (DOH) sa Mindanao sa posibleng pagputok ng kinatatakutang "pathogenic avian influenza" o bird flu virus dahil sa pagdagsa ng mga migratory birds buhat sa mga karatig-bansa sa Asya.

Sa ulat ng DOH-Region 10, natukoy na nila ang mga lugar na dinadapuan ng mga ibon buhat sa Japan, China at iba pang bansa sa Asya at pinaalalahanan ang publiko na panatilihin ang isang metrong distansiya sa mga hayop.

Agad na pinulong ng DOH ang lahat ng mga hospital chief at administrador upang magsagawa ng aksyon para sa pagsawata sa posibleng pagputok ng bird flu sa rehiyon.

Kinumpirma rin ng Department of Environment and Natural Resources-Region 10 ang pagdagsa ng naturang mga ibon at pinaalalahanan na rin ang mga residente na iwasan ang panghuhuli at pagkain sa mga ito.

Sinabi ni Director Julito Sabornido na mino-monitor nila ngayon ang mga bayan ng Opol, Alubijid, Balingasag, lungsod ng Gingoog. Kasama rin ang bayan ng Maramag sa Bukidnon at Bonifacio sa Misamis Occidental.

Samantala, kinansela na rin ng lokal na pamahalaan ang taunang tradisyon na bird hunting sa kabundukan ng Sagada na humahatak sa maraming turista upang maiwasan ang sakit na bird flu.

Bukod pa dito ang pagpapaalala sa mga may-ari ng mga ibon bilang mga alaga sa bahay na huwag halikan ang mga ito upang makasiguro na hindi maiimpeksyon ng naturang sakit. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALUBIJID

ASYA

BALINGASAG

BONIFACIO

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES-REGION

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR JULITO SABORNIDO

MISAMIS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with