Boarder, pinugutan ng matadero
November 4, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Nagmistulang hayop na kinatay ang isang 31-anyos na boarder makaraang pugutan at pagtatagain ng mataderong may-ari ng bahay sa kuwartong tinitirhan nito sa pagkabigong makabayad ng ilang buwang renta sa Bangkal, Davao City, kamakalawa ng gabi.
Lumaylay ang ulo sa tinamong matinding taga sa leeg ang biktimang si Solaiman Safaro, tubong Cotabato City na matapos paslangin ay itinapon pa ang bangkay malapit sa isang kanal sa Central Park Subdivision ng Bangkal sa nabanggit na lungsod.
Maliban sa tinamong mga taga sa leeg ay may sugat din sa ulo ang biktima at iba pang bahagi ng katawan kung saan ay pinaniniwalaan ng mga imbestigador na matindi ang galit ng suspek at planado ang krimen.
Nahaharap naman sa kasong murder ang suspek na kinilalang si Jose Palomar ng nabanggit na subdibisyon at may-ari ng bahay na nirerentahan ng biktima ang isang kuwarto.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-6:20 ng gabi, kamakalawa habang ang biktima ay pauwi na sa inuupahang kuwarto.
Nabatid na kasalukuyang naglalakad sa nasabing lugar ang biktima nang daluhungin nang taga ng suspek na armado ng matalim na itak.
Matapos maisagawa ang krimen ay boluntaryo namang sumuko ang suspek sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Ulas at agad ding ibinigay sa Talomo Police Precinct.
Sa presinto, ay inamin naman ng suspek na may namamagitang alitan sa kanila ng biktima matapos na mahabang panahon na itong di nakakabayad ng upa ay nagsisigasigaan pa sa kanilang lugar.
Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Angel Funeral Homes para maisailalim sa awtopsiya. (Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest