^

Probinsiya

Sikyu tinodas ng hostage-taker

-
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Isang 46-anyos na security guard na pinaniniwalaang nagtanggol sa apo ng kanyang amo ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hostage-taker sa Barangay Barrera ng lungsod na ito noong Linggo ng gabi.

Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktimang si Joel Trinidad y Curato, may-asawa ng #605 Conservatory Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Si Trinidad ay guwardiya sa bahay ng mag-asawang Danilo at Mona Liza Rico na residente ng Block 13, Lot 1, Cecilia Village Phase 1, ng nabanggit na barangay.

Samantala, naaresto naman ang suspek na si Francis Ramos y Galicia, 44, may-asawa ng #289 Del Pilar St., Sangitan West, Cabanatuan City.

Base sa ulat ni P/Supt. Jesus Gordon P. Descanzo, hepe ng pulisya sa Cabanatuan City, naitala ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi matapos na lumabas ng gate ang maid at ang 11-anyos na apo ng mga Rico na si Apple Grace Matias, upang magtapon ng basura.

Napag-alamang biglang nilapitan ng suspek ang bata at pinukpok ng baril sa katawan.

Hindi naman pinalagpas ng biktima ang pangyayari at inawat ang suspek, subalit imbes na huminahon ay pinagbabaril ang biktima hanggang sa ito ay mapatay.

Agad namang tumakbo papasok ng bahay ang maid at ang bata para ipagbigay-alam sa kanilang Lola Mona Liza na nanunood naman ng telebisyon, subalit mabilis na nakapasok ang suspek bitbit ang baril ng sikyu.

Hinostage naman ang mag-lola, subalit, lingid sa suspek ay nakatawag na sa himpilan ng pulisya na agad namang rumesponde sa pamumuno ni P/Supt. Arnel Santiago hanggang sa sumuko naman ang hostage-taker matapos ang 2-oras na negosasyon. (Christian Ryan Sta. Ana)

APPLE GRACE MATIAS

ARNEL SANTIAGO

BARANGAY BARRERA

CABANATUAN CITY

CECILIA VILLAGE PHASE

CHRISTIAN RYAN STA

CONSERVATORY BUILDING

DEL PILAR ST.

FRANCIS RAMOS

JESUS GORDON P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with